UP, pinarangalan ang 2022 bar at 2023 board topnotchers nito

| Written by Clariza Concordia

Mga opisyal ng Unibersidad, kasama ang ilan sa mga natatanging alumni na nagkamit ng pinakamatataas na marka sa licensure exam. Pinarangalan ng UP ang mga alumni na ito noong ika-11 ng Hunyo 2024 sa Atencio-Libunao Hall, UP Diliman. (Larawang kuha ni Jonathan Madrid, UP MPRO)

 

Sa unang pagkakataon, idinaos ng UP ang isang Gabi ng Parangal para sa alumni nito na topnotchers sa 2022 bar at 2023 board examinations. Ginanap ang programa ng pagkilala noong ika-11 ng Hunyo 2024 sa Atencio-Libunao Hall, UP Diliman (UPD).

125 mula sa kabuuang bilang ng 276 alumni sa listahan ng topnotchers ang dumalo at tumanggap ng sertipiko ng pagkilala. Nagmula sila sa UPD, UP Manila (UPM), UP Los Baños (UPLB), UP Visayas, at UP Mindanao.

Sa talumpati ni Patricia Marie Imperial, Top 1 ng 2023 Social Work Licensure Examination, hindi lamang siya nagbalik-tanaw sa kanyang buhay estudyante sa UP, binigyang-diin din niya ang halaga ng paglilingkod sa bayan. Aniya, “[On] the most trying moments, let us go back and remind ourselves who it is we serve. Not any politician, employer, or company, but the people and communities who look for our service.â€

 

Sa isang pagtitipon sa Atencio-Libunao Hall, UP Diliman noong ika-11 ng Hunyo 2024, pinarangalan ng UP ang mga natatanging alumni na nagkamit ng pinakamatataas na marka sa licensure exam.
Ani UP President Angelo Jimenez sa kanyang mensahe ng pagbati, ang tagumpay ng mga alumni ay siya ring tagumpay ng buong unibersidad. (Larawang kuha ni Jonathan Madrid, UP MPRO)

 

Kabilang sa mga dumalong opisyal ng UP sina President Angelo Jimenez, EVP Jose Fernando Alcantara, VP for Public Affairs Rolando Tolentino, UPD Chancellor Edgardo Carlo Vistan II, UPLB Chancellor Jose Camacho Jr., Naroon din ang mga dekano, kinatawan, at fakulti ng ilang mga kolehiyo sa UPD, UPM, at UPLB.

Ang naturang programa ay bahagi ng malawakang pagdiriwang ng kauna-unahang Linggo ng Unibersidad mula Hunyo 10 hanggang 20. Tampok sa selebrasyong ito ang pagbibigay-pugay sa mga natatanging kawani, fakulti, at mag-aaral na isinasabuhay ang diwa ng dangal, husay, at lingkod-bayan.

 

“Passing the board and bar exams are not just for us and our families, but these are successes we share with the people and communities [to] whom we will dedicate our service in the future,” saad ni Patricia Marie Imperial, Top 1 ng 2023 Social Work Licensure Examination, sa kanyang talumpati. Pinarangalan ng UP ang mga natatanging alumni na nagkamit ng pinakamatataas na marka sa licensure exam noong ika-11 ng Hunyo 2024 sa Atencio-Libunao Hall, UP Diliman. (Larawang kuha ni Jonathan Madrid, UP MPRO)
“Mandato ng Office of Alumni Relations na hindi lamang himukin kayong mag-give back sa UP nating mahal, kundi muli’t-muling ipaalala ang mantra ng pagiging iskolar ng bayan sa iba’t-ibang yugto ng inyong propesyunal na buhay—na isabuhay ang diwa ng dangal, husay, at lingkod-bayan,” wika ni VP for Public Affairs Rolando Tolentino sa kanyang pangwakas na mensahe.
Pinarangalan ng UP ang mga natatanging alumni na nagkamit ng pinakamatataas na marka sa licensure exam noong ika-11 ng Hunyo 2024 sa Atencio-Libunao Hall, UP Diliman.
(Larawang kuha ni Jonathan Madrid, UP MPRO)

Makikita sa ibaba ang kabuuang bilang ng mga alumni na naging topnotchers sa iba’t-ibang licensure examinations. Datos mula sa UP Office of Alumni Relations.