Home » NEWS » Pasinaya ng Husay at Saya ng mga CU tungong Diliman: Ang Pagtitipon at PahuSAYAn ng mga Atleta ng Bayan
Pasinaya ng Husay at Saya ng mga CU tungong Diliman: Ang Pagtitipon at PahuSAYAn ng mga Atleta ng Bayan
| Written by Percy Dahe
UP Pangulo Angelo Jimenez (gitna) at kawaksing propesor Marla Frances Mallari, dekana ng Kolehiyo ng Kinetikang Pantao (kaliwa) kasama ang lahat ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang UP CUs para sa UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-1 ng Mayo sa Varsity Training Center, Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Upang isulong ang halaga ng holistikong pangkapakanan at ang diwa ng pagkakaisa ng lahat ng constituent unit (CU) ng UP, isinakatuparan sa pagtutulungan ng UP Opisina ng Pangulo, Opisina ng Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Akademiko – Office of Student Development Services (OVPAA-OSDS) at ng UP Office for Athletics and Sports Development (OASD) ang UP Sportsfest PahuSAYAn 2025. Ginanap ang sportsfest sa unang pagkakataon noong ika-1 hanggang ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center at Student Union Building, UP Diliman.
UP Pangulo Angelo Jimenez habang nagbibigay ng kaniyang mensahe sa mga pangkat-kalahok ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-1 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Noong Hunyo 29, 2024, sa parehong temang “Fostering Excellence through University-wide Sports Engagement,” alinsunod sa Sustainable Development Goal 3: Good Health and Well-being ng United Nations, tinangka ang pag-pilot ng Inter-constituent University Competition ng Sistemang UP sa pamamagitan ng larong basketbol-panlalaki, na nilahukan ng UP Diliman (UPD), UP Los Baños (UPLB), at UP Manila (UPM). Ngayong taon, idinagdag ang larong volleyball-pambabae na parehong nilahukan ng iba pang UP CUs—UP Mindanao (UPM), UP Baguio (UPB), UP Cebu (UPC), UP Tacloban College (UPTC), UP Visayas (UPV), at ng UP Open University (UPOU).
Naibahagi ni kawaksing propesor Marla Frances Mallari, dekana ng Kolehiyo ng Kinetikang Pantao, sa kaniyang pambungad na pananalita, ang kaniyang tiwala na maipagpatuloy ang ganitong inisyatiba para sa mga mag-aaral ng lahat ng CU. Sabi pa niya, “We advocate for a sound mind and a sound body. Hindi lang tayo matalino, kundi malakas din.”
Sa kanya namang mensahe, ipinaalala ni Pangulong Angelo Jimenez ng UP ang kahalagahan ng kaisipang pangkalusugan at ang disiplina sa paglalaro bilang esensyal na katangian ng pagiging epektibong lider. Aniya pa, “Do not think that we are just playing games. What we do here today is a very serious matter.”
“I would like you to believe…. we are sending a message that we truly care. We worry about your fears, your anxiety. And this is one of the best ways to expurgate yourselves of all those negative feelings — in a common undertaking that builds friendship and solidarity,” dagdag pa ni Jimenez.
Nang tanungin si Sandra Aguila, na pinangunahan ang oath of sportsmanship at mula sa Kolehiyo ng Human Ecology ng UPLB, tungkol sa inaasahan niya sa sportfest, tugon niya, “Other than playing, probably meeting other players from different CUs ng UP System.”
Diwa ng pakikisama at inspirasyon
Si AVPAA Student Affairs Ma. Shari Oliquino sa kaniyang pananalita sa pagtatapos ng fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Bago ang sayawan, kantahan, pabigkas na patula, at iba pang malikhaing presentasyon, sa pangunguna ni Coach Dolriech “Bo” Perasol, director ng UP OASD, nabigyan ng pagkakaton upang magpakilala at magbigay-inspirasyon ang ilan sa mga manlalaro na nagmula pa sa malalayong probinsiya upang tuparin ang pangarap na makapag-aral at makapaglaro sa UP. Isa na rito ay si Gerry Austin Abadiano mula Iloilo, na kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Pisikal sa CHK ng UPD.
Naibahagi niya ang kaniyang karanasan at kung bakit patuloy siyang nagsisipag at nangangarap. Aniya, “Mahirap malayo sa pamilya pero kung gustong-gusto mo talaga ang dream mo, kailangan mong mag-sacrifice. Siguro yung puhunan natin as players, pagtrabahuan lahat ng gusto ninyo. Kasi sa buhay hindi lahat basta-basta ibinibigay, hindi magiging madali ‘yan. Maraming mga challenge, mga obstacle na pagdadaanan. Yung mga challenge na ‘yon ang magiging way para mag-improve kayo as a player and as a person.”
“Huwag ninyong kalimutang magdasal. Ang [paglalaro] ay pangalawa lang sa mga player, unahin ninyo pa rin lagi ang inyong pag-aaral,” dagdag ni Abadiano.
Pagtatapos at seremonya ng paggawad
Bago ang matapos na programa, naging mainit ang laro sa basketball panlalaki sa pagitan ng UPD at UPC sa kampeonato. Ngunit sa huli, nagwagi ang UPC sa iskor na 75-69. Sa Volleyball-pambabae naman, nasungkit ng UPD ang panalo laban sa UPC at itinanghal din ang UPLB bilang second runner up. Pinangunahan nina Tristan Nathaniel Ramos, director ng OSDS at coach Moriah Joel Gingerich ang pagbibigay ng mga tropeo sa mga nagwaging pangkat-kalahok at mga manlalaro.
Nag-iwan naman ng mahalagang mensahe sa mga kapuwa kalahok ang itinanghal na pinakamagaling na manlalaro sa basketball mula sa UPC na si AJ de los Reyes, Aniya, “Go hard lang permi every practice sa training and stick sa plan ni coach.” Nagpasalamat rin siya sa UP sa pagkakataong makapaglaro.
Mga manlalaro mula UP Mindanao sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula UP Visayas sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula sa UP Open University sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula sa UP Diliman sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula sa UP Baguio sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula sa UP Los Baños sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro mula sa UP Cebu sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Si Coach Dolriech “Bo” Perasol, director ng UP OASD (pinakauna, kaliwa) at mga napiling manlalaro mula sa UP Maroons Varsity Team na nagbahagi ng mensahe sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Si AJ de los Reyes ng UPC na tinanghal na pinakamagaling na manlalaro sa Basketball sa UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Si coach Moriah Joel Gingerich sa kaniyang mensahe sa huling araw ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Si Tristan Nathaniel Ramos, director ng OSDS, sa kaniyang pambungad na mensahe sa ginanap na paggawad seremonya sa huling araw ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Mga manlalaro mula UP Tacloban College sa kanilang presentasyon sa ginanap na fellowship dinner ng UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-2 ng Mayo sa Student Union Building, UP Diliman. Kuhang larawan ni Bong Arboleda, UP MPRO.
Mga manlalaro ng UPC sa Basketball na nagkamit ng unang puwesto sa ginanap na UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Mga manlalaro ng UPD sa Basketball na nagkamit ng ikalawang puwesto sa ginanap na UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Mga manlalaro ng UPD sa Volleyball na nagkamit ng unang puwesto sa ginanap na UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Mga manlalaro ng UPC sa Volleyball na nagkamit ng ikalawang puwesto sa ginanap na UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.
Mga manlalaro ng UPLB sa Volleyball na nagkamit ng ikatlong puwesto sa ginanap na UP Sportsfest: PahuSAYAn 2025 noong ika-3 ng Mayo sa Varsity Training Center, UP Diliman Kuhang larawan ni Jun Madrid, UP MPRO.